K-12: PAGSULONG SA PAGUNLAD NG KAALAMAN SA
WIKA
John Paulo V. Maigue
Jilian R. Natividad
Claire L. Villapando
D1A
Panimula / Kaligiran
Ang K+12 ay makakatulong sa pagpapalagaap ng wika dahil sa paraang ito maituturo o maipapahayag natin ang kahalagahan ng sarili nating wika sa mga kabataan. Para mas maagang maunawaan ng mga kabataan ngayon na ang wika ay mahalaga upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa bawat isa.
Ang edukasyon ay isa sa nagbigay ng malaking ambag at nagbigay ng malaking impluwensya sa wika at sa kultura. Ngayong modernong panahon nadagdagan pa ng dalawa ang curriculum ng edukasyon na tinatawag na K+12. Ito ay naglalayong mas mapabuti at maging handa sa hinaharap ang mga estudyanteng makakaranas nito. Dito mas malalaman natin ang mga bagay na nais nating alamin. Ang wika ang mag tutulak sa atin upang mas maging intresado tayong alamin ang mga bagay na di pa natin gaanong matutunan.
Napansin naming mag aaral na ang edukasyon ay isang napakagandang daluyan ng wika. Ang wika ay ginagamit ng edukasyon upang mas mapalalim pa nito ang kahalagahan at gamit nito. Ngayong modernong panahon mas madali na tayong makakukuha ng impormasyon dahil sa makabagong edukasyon. Mas marami tayong malalaman dahil sa mga gurong isa sa mga pinaka mahusay mag tulak upang palaganapin pa ang wika gamit ang edukasyon. Madali na nating malalaman ang mga salik ng wika sa pamamagitan ng edukasyon.
TITULO : K-12 : Pagsulong sa pagunlad ng kaalaman sa wika
Mungkahing titulo:
Sa panahon ngayon, hindi na natin nauunawan ang maayos o sapat na edukasyon para sa atin. Kung iisipin nating balikan ang nakaraan mas maayos kung tayo mismo ay nagsisikap at nagiging determinado upang makamtan natin ang edukasyong minimithi natin. Dito natin tunay na malalaman ang sanhi at dulot ng wika sa nakaraan kaysa ngayong modernong panahon. Alamin natin ang mga salik at positibing mangyayari kapag umunlad ang wika. Mas maayos nating mapapaunlad ang kaalaman sa wika kung alam nating mismo sa sarili natin na kaya talaga natin.
Rasyunal, Mithiin at Layunin
Layunin: Inimumungkahi sa adbokasiyang ito na kailangang palawakin ang wikang pilipino upang mas maunawaan at mas tangkilikin ng mga pilipino ang wikang kinagisnan. Sa makabagong edukasyon ngayon sa ating bansa na k-12 ay naipapahayag o naituturo na rin ang wikang filipino. Mahalaga ang wika dahil ito ang tulay upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa bawat isa. Ito rin ang mga wikang ating nakasanayan. Mahalaga ito sa ating mga pilipino upang magkaunawaan sa komunikasyon ng bawat isa. May kanya kanyang wika sa ating bansa kaya sa bawat isa ito ay mahalaga. Dahil ito ang daan upang magkaisa ang mamamayang pilipino sa bansa.
Rasyunal: Napili ng magaaral ang paksang k-12: pagsulong ng kaalaman sa wika dahil dito mas maiintindihan ng mga kabaatan o ng mga tao ang halaga ng sariling wika. At isang daan ang k-12 upang ito ay maisulong dahil sa makabangong curriculum ngayon ay hindi mawawala ang pagtuturo ng wikang filipino lalo sa k-12 dito mas mapapalaganap ito at maituturo sa tamang paraan. Dahil ang wika ay siyang daan sa pagkakaunawaan ng bawat isa. Ang gamit ng k-12 sa wikang filipino ay mas maunawaan at maintindihan ng mga kabataan ang halaga ng wika kaya ito rin ay napili ng magaaral.
Mithiin: Sa adbokasiyang napili ng mag-aaral, nais na makamit ang kahalagahan ng wika sa bawat isa. Nais na mapalawak pa ang wikang filipino. At ng magamit ng mga magaaral ang wika. Sa paraang ito ay kanilang tatangkilikin ang nais din ng mag-aaral na magkaroon ng magandang maidudulot ang pakatoto sa wikang filipino. At maisulong ang wikang ito sa maganda at maayos na paraan. Di lamang sa mga kabataan kundi sa ating lahat ng mamamayang pilipino. Nais din ng mag-aaral na makita ang magandang epekto ng wika sa ating lahat. Upang makita rin nila ang maayos na pagsulong o pagpapalaganap ng wika.
Ang k-12 ay isang makabagong
prosesso ng pagaaral sa panahon natin ngayon. Sa pagpapaunlad ng wika gamit ang
k-12 ay mas makakatulong ito upang mapalawak pa ang kaalaman sa ating wika. Sa k-12
binago ang istilo ng pag aaral kaya mas madaling maaral an gating wika. Inimumungkahi
ng mag-aaral ang proseso ng pag gamit ng interview. Dito nakapaloob ang mga
katanungan na nais na malaman ng mga mag-aaral at sa mga kasagutan nila ay amin
itong ipapakita sa klase.
Ang ilang halimbawa sa
Pagpapaunlad ng wika ay:
*Grading System
*Academic Track
*Technical Vocational
Livelihood Track
*Sports Track
*Art and Design Track
*Contextualized Track
Subjects
*Specialized TLE
*Exploratory TLE
*Core Learning Areas
*Learning Domains
*Individualized Online
Education
*Award winning curriculum.
*Extensive Support
*Full time and Part time
enrollment.
*Kakaibang pagkatuto sa
lahat ng aspeto ng nga estudyante.
*Malalim na pagkaunawa sa
gusto at kailangan.
*Pagtulong sa mga estudyante
sa pagsulong ng kanilang sarili
*Pagiging adbans sa wika at
pag aaral ng mga iba't ibang wika
*Pinapapatatag pa lalo ang edukasyon
pambata
*Upang mag kaugnay ugnay ang
mga kurikulum sa mga magaaral.
*Upang maisip kung paano
nabuo ang mga espesyal na paksa na tinatalakay sa pag aaral.
Benipisyo at Inaasahang Resulta
Sa kasalukuyang panahon mas maayos at mas mapapabilis ang pag aaral ng mga kabataan dahil sa k-12 sa makabangong systemang ito ay kahit 2 taong lamang sila sa kolehiyo at maari ng magtrabaho at mas madali ngayon silang makakakuha ng trabaho. Kumbaga, mas nabibigyang pansin ngayon ang k-12 kurikulum. Kapag may magaapply na isang tao na galing sa dating kurikulum ng edukasyon at isang tao na nag daan sa Kto12, mas pipiliin ng kompanya ang nanggaling o dumaan sa Kto12 na kurikulum. Kaya ngayon ay mas marami ng mga kabataan ang nasa ilalim ng k-12 kaya maraming mga kabataan ang mabibigyang oportunidad sa darating na panahon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento